TINAWAG KA NA BANG PSYCHO?
- mindsaver
- Aug 12, 2015
- 2 min read
"Anung course mo?"
"Psychology po."
"Wow! Sige nga. Anung nasa isip ko?"
Ayan na naman po tayo. Umarangkada na naman ang psychology slash manghuhula. Saang sulok ba ng mundo ako makakatagpo ng talagang makakainitindi sa kung ako ang ginagampanan ng mga nag-aaral ng psychology?
Psychology is the study of mind and behavior. Hindi kung ano man. Hindi guessing game o kung ano man. Lagi na lang kasing iyon ang tingin sa aming nag-aaral nito. Sabagay, kahit ako, nung narinig ko ang Psychology ang alam ko ay ito yung pag-aaral ng mga baliw. Tapos yung mga mag-aaral nito sila yung magpapa-drawing sa mga pasyente tapos malalaman agad yung behavior. Literal na ganun lang ang alam ko tungkol dito. Mali pala. Hindi lang basta-basta ganon. Mas mahirap. Mas komplikado.
Ano ba bang ibang tawag sa mga nag-aaral nito. Ah! Alam ko na!
Tinawag ka na bang PSYCHO?
"Anung course mo?"
"Psychology po."
"Ah! Psycho ka pala! Ang galing naman!"
Sa isip-isip ko. "Anung magaling don? Hindi ako PSYCHO!! Hindi psycho ang tawag don! PSYCHE PO! PSYCHE!
Tapos uulitin pa. "Uy o! Psycho pala sya!"
"Anak naman ni Sigmund Freud o! Sinabi ng Psyche e."
Ang sakit sa pandinig ng PSYCHO di ba? Kung alam lang nila ang ibig sabihin ng salitang yon baka hindi nila gustuhing tawagin din sila ng ganon.
Isa pa. Sinong may sabing ang Psychology ay walang MATH?Siiiinooo? Pwes! Nagkakamali kayo!
Isang katutak na math ang mae-encounter nyo sa Psychology. Hindi lang algebra, hindi lang trigonometry, kasi yung dalawang pamatay na yon ay basic at training lang papunta sa mas mahirap na Psychological Statistics. Hindi mo man mahal ang math pero matutunan mo siyang mahalin. Lahat kasi natutunan. (#Whoagoat) Actually hindi enough dito ung salitang lahat natutunan, dapat, KAILANGANG matutunan.
Kinuha ko ang psychology kasi akala ko lalayo ako sa mundo ng numero. Nagkamali ko. Akala ko simpleng math lang. Teka bakit may square root? May reliability pa. Teka ano yon? Ang gusto ko lang naman ay magdiagnose ng sakit. Pero bakit ganto? Yun pala madami ka pang pagdadaanan bago makapagdiagnose. Magkocompute ka muna bago dun sa finish line na diagnosis. Tapos may level 2 pa. Assessment. At may level 3,4,5,6,,,,,,,,100 hanggang makuha mo ang pinakamasarap na feeling sa lahat. Yung makapagpagaling ng patiente. Ang makatulong.
Tama. Ang goal naten ay makatulong. Hindi manghula. Pero kung talagang makulit. Sige! Sakyan mo na lang, Hulaan mo! Pero siguraduhin mong yung hulang sasabihin mo magugustuhan nila, kung hindi baka masapak ka lang.
Dito ko tatapusin ang una kong blog. Naliwanagan ka ba kung ano ka talaga? Kung ano ang PSYCHO AT PSYCH? Kung gaano kadami ang math ng sikolohiya? Sa bandang huli, masarap itong pag-aralan, marami kang makukuhang kaalaman, hindi ka lang matututo sa iba at sa paligid, matututo ka din sa sarili mo. Minsan nga lang nakakatakot. Nagbabasa ka ng DSM ng bigla mong mababasa ang disorder na may ganitong criteria at bigla ka na lang mapapaisip na, "Teka! Ako to a! Ganto ako. Hala! May sakit na ba ako?" Haha. Nakakabaliw ano? Pero control lang. Makakayanan at matatapos mo yan! Sabi nga sa blog site na to, PSYCHES KNOW IT. DON'T YOU?
Comments